Maling gamot ang napabigay - Consumer Complaint for Mercury Drug - HEAD OFFICE



SENDER
Maricar Calingasan
Last sept 4,2020 , ako, si Maricar Calingasan ay bumili ng gamot sa mercury drugs sa d. Silang branch sa batangas city para sa aking anak na si vince guian calingasan. Ipinakita ko ang reseta sa akin ni dr. Romeo roque, isang psychiatrist dito sa batangas. Binigyan ako ng nagtitinda ng 30 pieces ng spire . At itoy ininom ng anak ko for 2 weeks. Last September 19, akoy bumili uli ng ganon gamot same reseta sa mercury drugs, pallocan west batangas city branch, sabi ko spire yan, medyo naguluhan sila kasi ang nakasulat sa reseta e 250 mg. Nagtanong sila at ang sabi ng napagtanungan nila e epival daw un. Tumawag ako sa doctor ko at epival nga. Nagtanong pa ang mga nasa mercury drugs kung saan daw ako bumili at nagkatinginan pa sila. So malinaw na mali ang tinetake ng anak ko. Ang spire sa aking pagbabasa e iba sa epival. At napansin naming mga members ng family at mga ibang tao na tumaba sya agad pero sa mukha lang at ang mata nya e puffy eyes.Pinatigil ko muna lahat ng gamot nya. Now nag subside na pamamaga ng mukha nya. At nahanap na din namin ang resibo ng pagkakabili namin ng spire. Gusto ko sana na ipadoctor ang anak ko at spa examine ang kanyang kidney at liver at since sa part nyo naman may pag kukulang e kayo ang gumastos ng lahat. Otherwise, i will file for legal remedies.
Comment
COMPLAINT #6726 - Customer Service Issues
Required to inform you about complaint approval (or reject).
We will not publish your email.